AGRIKULTURA: PANGINGISDA AT PAGGUGUBAT
Ang Agrikultura ay isang gawain pangproduksiyon at serbisyong may kinalaman sa paghahalaman,paghahayupan,paningingisda at paghahayupan. Sa agrikultura kumukuha ng mga hilaw na materyales upang gawing isang produkto, o sa kabilang banda ang agrikultura ay napakahalaga sa ating ekonomiya. Ang agrikultura din ay isa sa dahilan ng pag-unlad ng ating bansa. Kadalasan sa mga tao ay sa agrikultura umaasa ng trabaho lalo na yung mga nasa probinsiya, gaya ng pagsasaka,pangingisda at iba pa. Dito din tayo kumukuha ng mga pangunahing pagkain natin.Ito rin ang nagsisilbing pundasyon para sa kaunlaran ng ating bansa. Sobrang nagagamit ang agrikultura sa mga probinsiya. Kapag mas malakas ang mga mamamayan, sila ay mas nagiging produktibo. Sa pamamagitan ng pag-aagrikultura ay malaki ang parte nito sa pag unlad ng bansa dahil ito ay nagtututkoy sa pagpapadami o pagpapalambo ng palaisdaan,paghahalaman,mga hayupan at iba pa.
-Cristine Ann C. Lomerio
Ang pangingisda ay isa sa sektor ng agrikultura na pinagkukunan ng hanapbuhay, lalo na ng mga mamayan na malapit lang ang mga tirahan sa mga anyong tubig . Ito ay pangunguha ng mga yamang dagat na maaring kainin o ibenta sa mga karatig bayan. Ang pangingisda ay ginagamitan ng mga bangka o barko sa paglalayag upang maghanap ng isda gumgamit naman sila ng mga lambat. Ito din ay mahirap na sektor sa agrikultura at napakalaking bahagi din nito sa pag unlad ng ekonomiya ng ating bansa. Ang pangingisda ay nahahati dinsa tatlo: Komersiyal, Munisipal, at Aquaculture. Ang Komerisyal ay -uri ng pangingisda na gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada habang ang Munisipal ay nagaganap sa loob ng 15 kilometrong sakop ng munispyo at gumagamit ng bangka na hindi hihigit sa tatlong tonelada at ang huli ay ang Aquaculture ay tumutukoy sa pag aalaga sa kuya at pag aalaga ng mga isdaat iba pang mga uri nito. - Althea Marie Apostol
Sa mga iba't ibang lugar sa Pilipinas ay may mga masaganang palaisdaan gaya sa lalawigan ng Cebu na kinikilala bilang maraming fisheries, sa Bulacan, Pampanga at Bataan din dahil sa maayos at maingat na pangangalaga sa kanilang karagatan. Nakakatulong din ito na may kaugnay sa industriya gaya ng pagkain ng isda at mga food processing. Malaki din ang maaring kitain sa pamamagitan lamang ng pangingisda. Kapag napakadami naman ng mga tao o napakataas ng populasyon ay maari itong makaapekto sa mga isda dahil ang mga tao ang nagdadala ng iba't ibang populasyon. May mga iba pa talagang suliranin sa pangingisda ito ay ang paggamit ng illegal na paraan gaya ng paggamit ng dinamita, maliit na butas lambat, mga lason , at pagkasira ng mga coral reefs. At yung iba naman ay mga basura na tinatapon sa karagatan, mga chemical na galing sa mga manupaktura. - Rocheal May Sabanal
Ang Paggugubat ay gawaing pang-ekonomikong gawain sa agrikultura. Tayo ay naglilinang sa ating yamang gubat ngunit nagkakaroon din tayo ng mga suliranin. Ito din ay pinagkukunan upang matugunan ang mga layunin,mga pangagailangan na benipisyo sa ating mga tao. Mahalaga ang mga puno sa atin dahil sila ang nagbibigay ng mga hilaw na materyales sa paggawa ng bahay, mga papel, at iba pang mga bagay bagay na ating ginagamit.Ang Pilipinas ay isa din sa may malawak na kagubatan, mayroon ding mga nangangalaga sa ating kagubatan. Ang pagtaas ng populasyon ay maaring pagkaubos ng mga puno dahil sa pag papagawa ng bahay. Sa paraan na pagkakaroon ng maraming mga puno o mataas na puno ay makakaligtas na din tayo sa ibang sakuna gaya ng baha. Ang pagtotroso ay isang gawaing pangkagubatan, ito ay pagputol,pagkalso,pagproseso ng mga puno. Mayroong illegal at legal na pagtotroso. - John Fil Roe Taboada
Ang agrikultura ay maunlad na ng dahil sa mga mamamayan at pamahalaan. Upang mapatuloy natin ang isang maunlad na agrikultura sa ating bansa ay una dapat ang pamahalaan ang unang mangalaga nito at panatilihin ang mga batas na makaka-unlad sa agrikultura. Sa paraan na dapat nating pangalagaan nang mabuti ang agrikultura sapagkat ito ay kinakailangan natin at mga pinagkukunan ng kinakailangan sa araw-araw. Matuto din tayong sumunod sa mga batas na tinataguyod ng ating bansa para mas mapalago at mapapanatili natin ang ating pinagkukunan ng ating agarang pangangailangan . Maraming paraan na pwedeng ikatulong naming mga estudyante gaya ng hindi pagtapon ng basura sa karagatan, pagtanim ng mga halaman, hindi pagputol basta basta ng mga puno, at iba pa. Kahit sa maliit na bagay tumulong tayo upang patuloy na ang pag unlad ng ating agrikultura na kinagagalingan ng lahat ng mga bagay at pagkain natin sa araw araw. Kahit sino ka man, matutong magpahalaga sa ating agrikultura. Alagaan, linangin, at tangkilikin ang ating agrikultura. - John Kyle Duerme
Comments
Post a Comment